Tuesday, February 3, 2009

si Aso at Kalabaw


isang araw naguusap ang dalawang hayop na si kalabaw at si aso.

" ahmmm... teka muna ano kaya ang kanilang pinag-uusapan, at para atang seryosong-seryoso sila...?... malipitan nga, ngunit hindi tayo magpapakita...ano sama ka sa akin makilnig sa kanila?? wag ka ng mahiya...ako bahala...makikinig lang namn tayo eh..... pssstt.."


kalabaw; " aba! aba! at bakit nadito ka aso ka? sa pagakakaalam koy ayaw mo sa putik na katulad naming na naninirahan dito..."


aso; " eh,ano ngayon ginoong kalabaw??? at sa pagakakaalam ko rin ay lupa to ng amo ko... so may karapatan akon pumunta dito kahit sadyang napakaputik...."


k; "oo, lupa nga to ng amo mo... lupa niyang pinaghihirapan kong silbihan..


a; "pinagsisilbihan ba kamo.... eh bakit sa nakikita ko ngayoy matigang na lupa at payat na mga pananim...???"


k; " eh bakit yong amo bay pinagsisilbihan rin ako ng TAPAT at HUSTO? pinapakain niya ba ako ng maraming damo, eh wala eh..so ano pa ngayon ang magagamit kong lakas para magtrabaho sa lupang hindi sa akin?


a; " at aba, ginoong kalabaw! at may lakas ka pang umangal?! neh wala ka namang KARAPATAN at KAPANGYARIHAN upang hindi sundin ang amo mo, sapagakat isang hamak na MAHIRAP at MAGSASAKA ka lamang... tama ba ako?!"


k; " oo ngat isang mahirap lamang ako....ngunit pag wala ba ang katulad naming mga HAYOP ay gagawin ba ninyo ang ginagawa namin... na sa katunayan ang asong katulad moy KAIN-TULOG lamang ang alam sa buhay.... am i right doggy?!"


a; " abah, ginoong kalabaw at parang napapasigaw ka na ngayon?.... you are absolutely wrong!!!


k; " iyan naman palage eh, kailan may hindi kami nakaramdam ng tama at kayo lamang ang umaangkin nito..."


a; " at totoo naman na mali ka sa sinabi mong la kaming ginagawa..... alam mo bang dahil sa amin marami kaming naliligtas na buhay, nahuhuli na masamang tao, nagbabantay sa bawat tahanan at sadyang matalino..... kaya dapat lang na mas mataas kami kay sa inyo"


k; " talaga lang hah.... ngunit sana sa lahat ng mga sinasabi mong lang kabuluhan ay walang halong kaplastikan.... oo ngat may naililigtas ka,nahuhuli,nagbabantay at higit sa lahat matalino.... ngunit ang alam koy sa kalaunay ang bantay na kaharap ko ngayoy, nadudungisan rin ng dumi at kawalang respeto... na kahit kaharap ang ibang kapwa hayop ay hayot gumagawa ng milagro, kawalang hiyaan, umiihi kung saan2 na kahit may batas pang nakusulat diyan ay napipili niyong magpakabobo at nagiging sakim pag kayoy nabaliw sa isang bagay na gusto niyong makuha nangangagat at nagtataksil sa sariling bahay na binabantayan!!!! iyan ba ang pinagmamayabang mo mr. aso???!!!


a; " at iyan ay hindi totoo.... hahaha... ako lamang ay natatawa sayo ginoong kalabaw...!!!


k; " iyan naman palage..sapagkat hindi kayo tumatanggap ng kamalian at kayo lage ang masusunod kayo ng amo mong mayayaman n walang ginawa kundi kami ay maging sunod-sunoran... na kahit tanungin man kita ngayon ng 2+2 at sinagot mo ay 22 na alam mo namang mali, at ang sinagot ko ay 4, ay sasabihin mo paring ikaw ang tama at ako ang mali, dahil matalino at magaling ka "kuno". at akoy tatango na lamang ng ulo sapagkat akoy isang mang-mang lamang."


a; " tama na nga iyan ginoong kalabaw...iyan ay isang teorya mo lamang at walang katutuhanan..... a ahhhmmm...puweh!!! ano ngayon itong naamoy ko umaalingasaw na mabahong pootek na dumikit diyan sa katawan mo..... naliligo nga pootek naman...matoto ka ngang magsabon........."


k; " pasensya na mr. aso sa katulad naming POOTEK! palibhasa kasi pinaliliguan ka ng amo mo, sinasabona, pinagsasiyampo, at minsan nga pinupunta sa pet parlor upang pagandahin.... at abah, sa palagay ko magastos iyon ano po?.... saan kaya kumukuha ng pera ang amo mo eh palage ko lang namn siyang nakikita n nakaupo, at pasulat2..ahmm... aha..alam ko na! siguro galing ang pera niya sa mga benta ng palay na pinaghirapan kong sakahin, haay... ok sana kung ang pinagtrabahoan ko ako ang makinabang at kumain sa palay...kaso hindi eh... napupunta pala sayo ang mga ito at kung hindi ako magkakamali pag hindi kapa nakukuntento ninanakawan mo pa ang amo mo ng pagkain sa kusina..... pero di bale nah, kahit papaano nakakatulong rin ako sa amo mo... sana minsan yong kinikita niya kami naman na mga kalabaw ang makinabang...o ok na sa akin kahit makita kong napapaganga niya ang bahay na kanilang tinitirhan, masaya kasi iyon tingnan bahay na maganda tingnan sa pananaw ng iba!!! tama ho ba mr. aso?

mr.? mr? mr.....? bat biglang nawala ang lang hiya na iyon...??


(dumating si daga)


daga; si mr. aso ba hinahanap mo..... umalis na ang lang hiyang iyon kanina pa habang nag-eemote ka jan.... palage naman iyong ganyan hidi marunong makinig...... he's really nothing!!!!


kalabaw; haay...buhay!!! kailan pa kaya tayo matutunang pakinggan sa mga hinaing natin......


daga; " hayaan mo.....darating ang panahon tinig na nating mga maliliit na nilalang ang mangingibabaw sa lipunan...


kalabaw; "ulol!!! maliit na nilalang kamo? eh laking dambuhala ko nga....ongahhhh!!!! ngak! ngak! ngak!


daga; " hehehehe....uu nga noh...pasensya na hayop lang...ang ibig kong sabihin tayong mga oppressed, apathetic, and voiceless animals......one day our lifestyle will improve!!!"


kalabaw; aba at nakuha mo pang mag ingles, san mo nakuha iyan?


daga; " eh...heheheh nakuha ko lang to sa photo copy ng mga nursing student...hehehehehe..... oh ano ayos bah....?


kalabaw; kaw talga bubwit ka... sa kabila ng mga pahirap, kawalan ng justice, at pago...nakuha mo pang tumawa at magbiro jan...ngakngakngakngaknagk!!!!!


daga; eh,hehehehehh.... just be cool....hehehehe


kalabaw; ulol! halika na nga, sakay na sa likod ko at punta na tayo don sa sakahan..... paalala ko lang bawal ang ngumatngat ng mais huh..... kung hindi sungay ang katapat mo sa akin..... ngakngakngak!!!"


"hekhekhekhekhek!!!ngakngakngaknagk!!!!" (tawanan ng dalawa habang papalayo)




" so ano narinig mo ba ang pinag-usapan ng dalawa..... grabeh... ganon pala iyon.....pootek.....!!!! so ano ngayon masasabi mo???

wag ng mahiya ilabas mo na iyang nararamdamn mo...heheheheeh baka magkaheart attack ka...mahirap nah...

isigaw mo na yan....... ano gusto mo sabayan kita????? ok at the count of 3.... 1-2-3eeeeeee...... " pooooooteeekkkkkk!!!!!!!"








No comments:

Post a Comment